at sa wakas.
naisilang na din ang bagong kagigiliwan ng mga naghihikahos na bloggers kaya ko. well, sa totoo lang, mga two weeks ago pa nag-start ang blog ko. yun nga lang, ngayon lang sya offically ini-launch kasi noon panget pa yung blog ko. ngayon, ah may header na so hindi na masasabing panget, yun nga lang, hindi pa rin kasing-ganda ng sa iba. pero sa hinaharap, tiyak na kayo'y mamamangha sa magiging hisura ng aking blog, sapagkat ngayon pa lang ay nakakintal na sa aking alimantak ang mga gagawing pagmamanipula sa blog na ito para naman lalong gumanda.
kaya sa lahat ng mga nanglilibak, lumalait, at yumuyurak sa kasalukuyang estado ng blog ko, para sa iyo ang post na ito. sana ay duguin ang ilong mo at ang lahat ng butas ng katawan mo, hahaha. (brutal ba? hehe, pis po! XD)
o sige na babay.
Pahabol Sulat (Post Scriptum) Makigayang pagkakasilang kay Francesca Isabelle Tolosa Soriano na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong ika-16 ng Hulyo. Nawa'y lumawak pa ang sakop ng iyong alimantak, at sana'y punuin ka nang Mahabaging Maykapal ng pitagan sa sarili at mga kapwa nilalang. Ang aking maluwalhating pagbati, ....hampaslupa
Saturday, July 19, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Kenneth Ian Terrado Ricafort. Isinilang upang mang-asar. Isinilang upang mambuwisit. Isinilang upang mambara. Humihinga sa loob ng labinlimang taon upang ipagpatuloy at ipalaganap ang sinimulang adhikain ng mga ninuno kong tulad ko ay nakaka-nose bleed din kung mag-ispits. XD
1 comment:
haha.
salamat sa pagbati kaibigang hampaslupa.
shet.
kasalukuyang dumudugo ang lahat ng butas ng katawan ko ngayon dahil sa lalim ng mga salitang binitawan at inilaan mo para sa araw ng aking pagkasilang.
muli salamat.
XD
Post a Comment